Libungan, Cotabato| Abot sa 1,014 na mga mag-aaral na grade 5 pupils galing sa 29 schools ng Libungan West at East District ang nakilahok sa summer peace kids camp 2023 na binuksan sa Lope T. Quial Sr. Central Elementary School sa bayan ng Libungan.
Binigyang diin nito na ang SKPC ay isang programang naka tuon sa pagsusulong ng kapayapaan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga partisipante ng iba’t ibang paniniwala at kultura sa probinsya.
Dumalo rin sa nasabing opening program sina 1st District Board Member Atty. Roland Jungco, Former Boardmember Shirlyn M. Villanueva, Libungan Mayor Angel Rose L. Cuan, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, Libungan West District Supervisor Maam Rowena P. Matavia, East District sir Raul Rizardo, mga principal at mga guro na nagsilbi bilang mga pack chiefs.
Pinangunahan naman ng Provincial Assessor’s Office (PASSO), Provincial Youth and Development Office (PYDO), katuwang ang pamahalaang lokal ng Libungan, Department of Education, (DepEd), Philippines National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection(BFP) at Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT), at iba pang stakeholders ng ating bayan ang nasabing aktibidad.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Apol Cuan kay Governor Lala Taliño Mendoza para sa pagbibigay opurtunidad sa bawat kabataang Libunganon na maki lahok sa mga upsaping patungkol sa kapayapaan at pagkakaisa.
Photoby: LQGonzales









